Nagdaos kahapon ng aktibidad ang Bachelor of Elementary Education Club sa DHVSU – College of Education lobby na tinawag na “Malikhaing Paglikha ng BEEdila.”
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nagtagpo ang mga mag-aaral mula sa mga programang Bachelor of Elementary Education (BEED) at Bachelor of Early Childhood Education (BECEd) upang ipamalas ang kanilang natatanging kasanayan sa sining ng pagguhit at pagsusulat. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga materyales tulad ng lapis, tinta, at tela, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang pagkamalikhain at kakayahan sa pagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan ng kanilang mga likha.
Sa pagninilay-nilay at masusing pagsusuri, nabigyang-buhay ng mga mag-aaral ang kanilang mga ideya at damdamin sa mga likhang-sining na kanilang nilikha. Nagpamalas sila ng diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa sining bilang isang paraan ng pagsasalaysay ng kanilang pagpapahalaga sa Buwan ng Wika.
Sa kabuuan, ito'y isang pagdiriwang kung saan pinalamas ng mga mag-aaral mula sa mga programang BEEd at BECEd ang kanilang husay at talento sa sining na nagpapakita ng mas malalim na pag-unawa sa kultura at wika ng bansa.
Artikulo at mga larawan mula sa Bachelor of Elementary Education Club – DHVSU Facebook Page